Bagyong Domeng lumakas pa, isa pang bagyo sa labas ng PAR, binabantayan ng PAGASA

Bahagya pang lumakas ang Tropical Depression Domeng habang kumikilos pa-hilaga sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Huling namataan ang bagyo salayong 470 kilometers East ng Casiguran Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 60 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 75 kilometers bawat oras.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Ezra Bulquerin, habang umaakyat ang bagyong Domeng ay patuloy nitong hinahatak ang Southwest Monsoon.

Maapektuhan ng pag-ulan ang MIMAROPA, CALABARZON, Western Visayas, ilang bahagi ng Southern part ng Luzon kabilang ang Aurora, Bataan at Zambales.

Mananatili ang epekto ng Habagat na hinahatak ng bagyong Domeng hanggang bukas o June 9.

Habang sa June 10, araw ng Linggo ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.

Samantala ang bagyong may international name na Ewiniar ay huling namataan ng PAGASA sa 1,030 kilometers West ng Basco Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 110 kilometers bawat oras.

North Northeast naman ang direksyon ng bagyo sa bilis na 5 kilometers bawat oras.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...