Hinimok ni Philippine National Police (PNP) Chief Director General Oscar Albayalde ang gumawa ng 2018 Global Peace Index na pumunta sa Pilipinas upang personal na makita kung gaano kapayapa ang bansa.
Ito ang naging tugon ng PNP chief sa pagbaba ng isang puntos ng Pilipinas sa naturang pag-aaral at pagkakalagay ng bansa sa ikalawa sa dulo ng listahan ng may pinakamapayapang bansa sa Asia Pacific region.
Ayon kay Albayalde, nanggaling lamang ang resulta ng ranking sa mga pahayag na inilalabas ng human rights group kaugnay sa mga nangyayaring krimen at insidente ng pamamaslang sa bansa.
Ani Albayalde, mas makabubuting magtungo ang ang raters sa Pilipinas upang makita nila ang sitwasyon ng peace and order sa bansa.
MOST READ
LATEST STORIES