Christian Standhardinger makakapaglaro sa FIBA 3×3 World Cup

Clear ang medical record ni Christian Standhardinger.

Kaya naman pinayagan ito ng FIBA na katawanin ang Pilipinas para sa 2018 FIBA 3×3 World Cup.

Dalawang laban ng San Miguel Beermen ang hindi nasalihan ni Standhardinger para sa PBA Commissioner’s Cup dahil sa namamaga niyang tuhod. Ngunit pagtitiyak ng team manager ng Gilas Pilipinas na si Butch Antonio, makakarecover at makakapaglaro si Standhardinger para sa FIBA.

Makakasama ng Beermen player sa 3×3 Wold Cup si Stanley Pringle ng Globalport, at sina Roger Pogoy at Troy Rosario ng TNT KaTropa.

Magaganap ang naturang laban sa Philippine Arena simula ngayong araw, June 8 hanggang 12.

Read more...