Nationwide martial law malabong ipatupad ayon sa PNP

Inquirer file photo

Wala pang nakikitang indikasyon ang Philippine National Police para magdeklara ng nationwide martial law si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito’y sa kabila ng pangamba na na baka ideklara ni Duterte ang nationwide martial law kasunod nang ginawa niyang pahayag na magkakaroon ng ‘radical changes’ sa mga susunod na araw.

Ayon kay Albayalde, ang Armed Forces of the Philippines ang may malaking papel sa pagpapatupad ng martial law pero gayunman  ay nakahanda ang kanilang pwersa na sumuporta sakaling ideklara ito ng pangulo.

Kasunod nito, iginiit naman ng hepe ng PNP na sa Mindanao kung saan umiiral ang martial law ay maayos naman ang pagpapatupad nito.

Bukod sa ‘radical changes’, sinabi rin Duterte na nais nyang isailalim sa kanyang control ang mga problematic government agencies para maibalik ang batas at kaayusan sa bansa.

Nagbabala rin ang pangulo sa lahat ng kriminal, maging nasa gobyerno man o hindi na magdalawang isip at tumigil na sa kanilang maling gawi.

Read more...