Reporter patay sa ambush sa Davao Del Norte

Patay ang isang mamamahayag matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Panabo, Davao Del Norte.

Kinilala ni Senior Supt. Alan Manibog, Provincial Director ng Davao Del Norte ang biktima na si Dennis Denora na nagtatrabaho sa isang lokal na pahayagan.

Ayon kay Manibog, lulan ng sasakyan ang biktima kasama ang kanyang driver nang tambangan sila mga hindi pa nakikilalang gunmen sa Panabo Public Market.

Dead on the spot ang si Denora habang nakaligtas naman sa pamamaril ang driver nito.

Isa sa mga tinitignang anggulo ng krimen ay ang trabaho ni Denora.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen.

Read more...