Ito’y kasunod na rin ng pagkakaaresto sa mahigit 400 indibiwal kasama ang walong Israeli nationals.
Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, aalamin ng PNP kung bakit pinapayagan ang mga ito na makapag-negosyo sa loob ng dalawang taon na hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Sa ngayon anya ay nakikipag-ugnayan na ang Anti-Cybercrime Group sa pamunuan ng Clark Freeport hinggil dito.
Banggit pa ni Albayalde, nasa $1 Million ang kinikita ng mga suspek sa isang araw nilang transaksiyon.
Hindi naman matukoy ng PNP kung magkano ang halaga ngayon na nakulimbat ng grupo ng mga Israeli pero paniwala nila na “Billions of dollars” na ito dahil kalat-kalat ang kanilang transaksyon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.