Smuggled na motorsiklo, bisikleta at excavator nasabat ng BOC sa Cebu International Airport

CDN Photo

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang smuggled na apat na motorsiklo at dalawang bisikleta kabilang ang isang excavator na ipinuslit papasok sa bansa.

Tinatayang aabot sa P2.5 million ang halaga ng mga nasabat na nadiskubre sa loob ng container vans sa Cebu International Port.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, galing sa Estados Unidos at Japan ang mga ito na idineklarang “personal effects at household goods” pero nang isailalim sa scanner ay nakita ang nilalaman ng dalawang freight containers.

Maliban sa dalawang container vans, isinailalim din sa inspeksyon ni Lapeña ang sampung iba pa na pawang naglalaman naman ng mga kahon-kahong mansanas, ceramic tiles, mga gamit na sapatos at bag, aluminum windows, at channel steel.

Bagaman tama naman ang deklarasyon ng mga ito, sinabi ng BOC na sasailalim pa rin ito sa valuation at assessment.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...