Huling namataan ang bagyo sa 835 kilometers East ng Casiguran, Aurora taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.
Ayon kay PAGASA weather specialist Obert Badrina, walang direktang epekto ang bagyong Domeng saanmang bahagi ng bansa pero ang pagpapalakas nito sa Habagat ang siyang naghahatid ng mga pag-ulan.
Ang pinagsanib na epekto ng bagyong Domeng at Monsoon Trough ang naghahatid ng moderate hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region at western sections ng MIMAROPA at Visayas regions.
Samantala, isa pang bagyo na mayroong international name na Ewiniar ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa 1,075 kilometers West ng Basco Batanes.
Sa ngayon ayon sa PAGASA maliit pa ang tsana na makaapekto ito sa bansa.