Dalawang pulis na sangkot umano sa extortion, arestado ng CITF sa La Trinidad, Benguet

Huli sa ikinasang entrapment operation ng Counter Intelligence Task Force sa La Trinidad, Benguet ang 2 pulis na sangkot umano sa extortion.

Nakilala ang mga pulis na sina SPO3 Paulino Lubos Jr. na nakatalaga sa Tublay Municipal Police Station at SPO4 Gilbert Legaspi na Intel operative ng Benguet Provincial Police Office.

Ayon kay Chief Inspector Jewel Nicanor, Spokesperson ng CITF, nag-ugat ang pag-aresto sa dalawa base sa reklamo nina Ryan Albing Olsina at Jerbin Pulac Velasco na pawang mga collector at operator ng Small Town Lottery sa lugar.

Nabatid na ang dalawang pulis ay nanghihingi ng P5,000 hanggang P40,000 na lagay kapalit ng hindi pagsasampa ng kaso sa kanilang mga naaresto na kadalasan ay mga STL collector at operator.

Nakuha mula sa suspek ang marked money na P3,000 na ipinambayad ng mga complainant matapos unang magbigay ng P2,500 noong Martes.

Nasa kustodiya na ngayon ng CITF ang mga pulis na mahaharap sa kasong kriminal at administratibo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...