Pamahalaan ng Slovakia tiniyak ang hustisya sa pagkamatay ng Pinoy na financial analyst

Tiniyak ng pamahalaan ng Slovakia na mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng Filipino financial analyst na si Henry John Acorda na nasawi matapos bugbugin ng isang lalaking Slovak noong May 31.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Alan Peter Cayetano, welcome sa pamahalaan ang naging pagtiyak ni
Prime Minister Peter Pelligrini na mapapanagot ang suspek sa pagkamatay ng Pinoy.

Ang 36-anyos na si Acorda ay binugbog hanggang sa masawi ng Slovak na suspek matapos niyang ipagtanggol ang kasamang Pinay na hinaharass ng suspek na si Hiraj Hossu.

Samantala, tiniyak naman ni Philippine Ambassador Ma. Cleofe Natividad sa pamilya ni Acorda na tutulungan sila ng pamahalaan.

Nagtungo si Natividad sa Bratislava para kausapin ang ina at dalawang kapatid ni Acorda.

Ayon kay Natividad tiniyak nila sa pamilya na ibibigay ng embahada ang lahat ng tulong na kakailanganin para sa repatriation ng mga labi ng Pinoy.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...