Lalaki patay matapos mabagsakan ng puno sa GenSan

Patay ang isang lalaki makaraang madaganan ng bumagsak na puno sa General Santos City.

Nakilala ang biktimang si Rogelio Tomes, 59 anyos na residente Barangay San Isidro.

Sa inisyal na imbestigasyon lumilitaw na bumagsak ang puno sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan at malakas na hangin dulot ng bagyong Domeng.

Isang puno ng Balete ang tumumba at nagkataong dumadaan noon si Tomes sakay ng kaniyang bisikleta.

Isinugod pa sa ospital si Tomes pero hindi na ito umabot ng buhay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...