Mas mataas ito sa 1,744 apprehensions na naitala mula Enero 2010 hanggang Hunyo 2016 o limang taon at anim na buwang noong nakaraang administrasyon.
Ayon kay DOTr Undersecretary for Road Transport and Infrastructure at i-ACT overall head Tim Orbos, malaking bahagi ng tagumpay na ito ang aktibong partisipasyon ng publiko, kasabay ng paglawak ng kanilang kaalaman sa kapahamakan na posibleng idulot ng mga sasakyang ito sa kalsada.
Dahil sa naturang kampanya sinabi ni Orbos na kahit papano ay bahagyang nabawasan ang dami ng mga sasakyan sa Metro Manila.