Albayalde nakipagpulong kay Archbishop Tagle, nangakong igagalang ang karapatang pantao sa operasyon kontra droga

PNP Photo

Nangako ang Philippine National Police na kanilag igagalang ang karapatang pantao at susunod sila sa rule of law.

Ito’y sa gitna ng kanilang pinaigting na giyera konta droga.

Sa kanyang courtesy visit kay Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio kahapon, kasama si NCRPO Chief Guillermo Eleazar at limang district directors, igniit ni Albayalde na naniniwala sila Diyos.

Kaniya ring pinawi ang pangamba ng simbahan na baka magkaroon ng pang-aabuso sa pagsasagwa nila ng mga operasyon.

Paliwanag ni Albayalde, ginagawa ng PNP ang lahat para mabawasan ang krimen at mas maging payapa ang bansa laban sa anumang banta.

Bilang kanyang tugon naman, sinabi ni Tagle na ipapanalangin nya si Albayale at susuportahan nya ito sa kanilang mandato na magbigay seguridad sa mga Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...