Sa abiso ng Marikina City Rescue, alas 8:00 ng umaga ng Huwebes (June 7) nasa 12.4 meters ang water level sa Marikina River.
Dahil dito, walang anumang alarma na nakatas sa ilog.
Sa sinusunod kasing guidelines sa Marikina River itataas ang 1st alarm kapag umabot na sa 15 meters ang water level, 2nd alarm kapag 16 meters at 3rd alarm kapag umabot na sa 18 meters.
Sa kasagsagan ng pag-ulan ng madaling araw, ganap na ala una ng umaga ay 13.2 meters ang pinakamataas na water level na naitala sa ilog..
Samantala, sa San Mateo Rizal naman, nanatili ring normal ang water level.
Nasa 15.94 meters ang water level sa Batasan Bridge.
Malayo pa ito sa 18 meters na batayan para magtaas ng alerto sa nasabing ilog.