16 arestado sa buy-bust operation sa Calamba

Arestado ang labinganim na katao sa ikinasang buy-bust operation sa isang drug den Calamba City, Laguna.

Isinagawa ng mga tauhan ng Calamba City Police ang operasyon sa Barangay Parian alas 11:45 ng gabi ng Miyerkules.

Nagresulta ito sa pagkakadakip sa labinganim na mga drug suspects na kinilalang sina:

Ayon sa mga otoridadm nahuli ang labinganim sa aktong nagpa-pot session sa loob ng drug den sa nasabing barangay.

Nakuha mula sa mga suspek ang 8 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at tinatayang aabot sa P4,000 ang halaga.

Nakuha rin ang limang piraso ng P100 bill na ginamit na marked money, P800 cash, at mga drug paraphernalia.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...