Klase sa ilang lebel sa Quezon City sinuspinde

Inanunsyo ni Quezon City acting Mayor Marie Grace Preciosa Hipolito-Castelo na suspendido ang klase sa pre-school at elementarya sa lungsod ngayong araw, June 7, 2018.

Ito ay kasunod ng mabigat na pag-ulan, maging ang pagbaha sa ilang mga lugar sa Quezon City nadulot ng bagyong Domeng at umiiral na monsoon trough.

Sa ngayon ay wala pang ibang lugar na nag-aanunsyo ng suspensyon sa klase.

Asahan naman na magpapatuloy ang mga pag-ulan dulot na rin ng umiiral na bagyo at monsoon trough.

Read more...