Pilipinas bumaba sa rank ng Global Peace Index

Institute for Economics & Peace

Bumaba ng isang ranggo ang Pilipinas sa ika-12 edisyon ng Global Peace Index.

Batay sa nasabing pag-aaral kung saan niraranggo ang 163 na mga independent states kaugnay sa lebel ng kapayapaan sa kanilang mga bansa ay mula sa 136 noong nakaraang taon, nasa 137 na ang Pilipinas.

Nananatili naman ang bansa sa ika-18 pwesto sa Asia-Pacific region, isang ranggo lamang na mas mataas kumpara sa North Korea.

Ayon sa Global Peace Index, nakaimpluwensya ang naganap na Marawi siege maging ang kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga sa ranking ng Pilipinas.

Batay pa sa naturang pagsusuri, isa ang Pilipinas sa pitong mga bansa na nagkaroon ng mas mataas na importation ng mga armas noong nakaraang taon. Ang ibang mga bansa ay ang Australia, Malaysia, Indonesia, Taiwan, Japan, Papua New Guinea, at Thailand.

Samantala, ang bansang Iceland naman ang nanguna sa listahan ng mga bansang mapayapa; habang ang Syria naman ang nananatiling nasa dulo ng listahan sa loob ng limang taon.

Read more...