Yellow rainfall warning nakataas sa Metro Manila at karatig-lalawigan

Asahan na ang mabigat na pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan dahil sa bagyong Domeng at monsoon trough.

Sa latest na abiso ng PAGASA, nakataas ang yellow rainfall warning sa lahat ng lungsod sa National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, at hilagang bahagi ng Quezon province.

Kaya naman babala ng weather bureau, posible ang pagbaha sa mga mabababang lugar.

Samantala, asahan naman ang mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan sa Bataan, Tarlac, Nueva Ecija, at Pampanga na tatagal ng tatlong oras.

Read more...