Bagong SEC chairman itinalaga na ni Pangulong Duterte

FB photo

May bagong chairman ang Securities and Exchange Commission sa katauhan ni Atty. Emilio B. Aquino.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Aquino bilang pinuno at concurrent commissioner ng corporate regulator.

Pinalitan ni Aquino si outgoing Chairperson Tererita Herbosa sa pagtatapos ng kanyang seven-year term bilang pinuno ng SEC.

Si Aquino ay isa ring certified public accountant (CPA) at tubong Mindanao tulad ng pangulo.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science degree in Commerce major in Accounting at valedictorian sa kanyang klase sa Universidad de Zamboanga noong 1984.

Samantalang natapos naman niya ang kanyang law studies sa San Beda College at naging 16th placer sa bar exams noong 1992.

May hawak rin siyang Master’s degree in Public Management sa Development Academy of the Philippines.

Read more...