“I am most grateful for a man as powerful as you are now for texting & Vibering me the words ‘we are sorry for the incident,” bahagi ng mensahe ni Kris kay Go.
Ipinaliwanag rin ng aktres na gumawa siya ng paraan para maiparating ang pasasalamat kay Go dahil sa pag-unawa sa kanyang saloobin.
Magugunitang naging viral sa social media ang paglalabas ng sama ng loob ni Kris bilang sagot sa ginawang pag-upload ni Uson ng litrato ni dating Sen. Ninoy Aquino na hinahalikan ng ilang kapwa pasahero sa eroplano bago ito binaril at napatay noong August 21, 1983.
Sa nasabing video message ay hinamon rin ni Kris si Uson na magkita sila kahit saan at hindi niya ito uurungan.
“I love our country as much as our President does. I pray for #PEACE & mutual #respect for all of us,” dagdag pa ni Kris sa kanyang Instagram account.