Pari sa Calamba, Laguna sugatan sa ambush

Sugatan ang isang pari matapos tambangan ng dalawang lalaking naka motorsiklo sa Brgy. 3, Calamba City, Laguna.

Ayon kay Senior Supt. Rossel Cejas, hepe ng Calamba Police, alas-9:40 ng umaga kanina nang biglang pagbabarilin ng mga suspek ang pari na nakilalang si Father Rey Urmeneta.

Tinamaan ng bala ang 64-anyos na pari sa kanyang likod at kaliwang braso habang ligtas naman sa tama ng mga bala ang kanyang personal secretary na si Remedios De Belen.

Agad na tumakbo sa papalayong direksyon ang mga suspek habang dinala naman sa Calamba Medical Center ang biktima.

Sa ngayon ay nasa maayos nang kondisyon ang pari.

Sinabi naman ni Cejas na posibleng may kinalaman sa negosyo ang pamamaril.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa krimen.

Read more...