13 Nigerian nationals na sangkot sa online scam, arestado sa entrapment operation sa Cavite

Kuha ni Mark Makalalad

Arestado ang 13 Nigerian Nationals na sa ikinasang entrapment operation ng CALABARZON Police dahil sa kanilang online scam.

Unang naaresto ang lider ng sindikato na si Emmanuel Chinonso Nnandi alyas “Nonso” kasama ang kanyang apat na kasamahan sa Block 3 Lot 9 Bali HaiSubd. Brgy. BuhaynaTubig, Imus City, Cavite.

Nagresulta ang pagkakaaresto kay Nonso dahil sa reklamo ng isang Arnel Pilapil.

Ayon kay Pilapil, nagoyo ang kanyang kapatid na si Charissa Pilapil De Quito matapos magpadala ito ng pera ng ikatlong batch ng padala na P10,000 kay Nonso.

Nagpakilala na myembro ng Special Forces ng United States Army at may ranggong Major si Nonso na naging friend ni De Quito sa facebook.

Nangako ang suspek na magpapadala ng 2.5M USD sa pmamagitan ng Diplomatic Agent na nagngangalang Mr. Evans Peters kapag nagbayad sya ng “airport authority taxes” na P75,000.00.

Sinabihan din sya nito na makatatanggap sya ng P300,000 oras na dumating na ang package.

Pero matapos ang transaksyon ay wala rin natanggap si De Quito.

Sa ikinasang follow up operation sa Imus, naaresto na ang iba pang Nigerian Nationals kasama na ang isang Pilipina na si Irish Pimentel Lewis habang nakatakas naman ang isa pang suspek na si Figo Modestus.

Nabatid na matagal na nangloloko ang mga suspek at gumagamit sila ng social media para mangoyo.

Narekober sa tatlong magkakahiwalay na lugar ang mga computer laptops, electronic gadgets katulad ng WIFI Routers at assorted Cellphones na ginagamit sa scamming schemes.

Nasamphan na ng syndicated estafa ang mga suspek at bineberipika na sa ngayon ng Bureau of Immigration ang kanilang mga dokumento sa kanilang pananatili sa bansa.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...