Batay sa DSWD Predictive Analytics for Humanitarian Response, posibleng umabot sa 188,334 na katao ang maapektuhan ng pagbaha at rain-induced landslide dahil sa bagyong Domeng kung saan, 11,532 dito ay mahihirap na pamilya.
Ayon sa DSWD, mayroon silang stockpiles at standby funds na nagkakahalaga ng ₱1.155 billion.
Sa nasabing halaga, mahigit ₱207 million ang standby funds sa central office at field offices ng DSWD habang mahigit ₱165 million naman ang bahagi ng Quick Response Fund.
Samantala, mayroong kabuuang 485,636 na Family Food Packs (FFPs) rin ang available para maipamahagi sakaling kailanganin.