Dating CJ Maria Lourdes Sereno pinag-iisapang tumakbong senador

Ikinukunsidera ng napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na taon.

Ipinahayag ito ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Josa Deinla.

Sinabi ni Deinla na hindi pa tiyak ni Sereno kung tatakbo siya sa pagiginig senador, pero lubos niyang pinag-iisipan ito.

Iaanunsyo ni Sereno ang kanyang magiging plano oras na matapos na ang kanyang apela na humihiling na baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema na pagpapatalsik sa kanya.

Bago pa man mapatalsik ang punong mahistrado, sinabi niya na hindi siya interesadong tumakbo sa halalan sa 2019.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...