P10K na budget kada buwan ng pamilyan may limang miyembro, hypothetical figure lang ayon sa NEDA

Dumepensa ang National Economic and Development Authority (NEDA) sa pahayag nito na kayang mabuhay nang disente ng pamilya na may limang myembro sa halagang P10,000 kada buwan.

Iginiit ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillion na ang P10,000 buwanag budget ay “hypothetical figure” lamang.

Sinabi ni Edllion na hindi sinabi ng NEDA na P10,000 lamang ang kinakailangan ng pamilyang may limang myembro para mamuhay nang disente.

Paliwanag ni Edillion, ipinapakita lamang nito kung paano pinapagkasya ng pamilyang may limang myembro ang P10,000 sa isang buwan sa gitna ng pagtaas ng presyo ng bilihin.

Dagdag ng opisyal, patuloy pang pinag-aaralan ng NEDA kung magkano ang kinakailangan ng isang pamilya para mamuhay nang disente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...