Klase sa ilang lugar sinuspinde dahil sa sama ng panahon

Nagsuspinde ng klase sa ilang lugar ngayong araw dahil sa sama ng panahon na dulot ng bagyong Domeng.

Suspendido ang klase sa mga bayan ng Manticao at Initao sa lalawigan ng Misamis Oriental. Inanunsyo ni Provincial Governor Bambi Emano ang suspensyon sa kaniyang Facebook page.

Samantala, sinuspinde naman ni Biliran Mayor Grace Casils ang klase sa elementarya at high school sa nasabing bayan dahil din sa pag-ulan na hatid ng bagyong Domeng

Maging sa bayan ng Naval sa lalawigan ng Biliran ay suspendido din ang klase hanggang high school ngayong araw.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...