Dapat na magpasalamat si Dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi ginawang political issue ang kontrobersyal na dengvaxia vaccine.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pinakakalma rin ng Palasyo si Aquino at hindi matutulad sa kapalaran ni Senator Leila de Lima na ngayon ay nakakulong sa PNP-Custodial Center sa Kampo Crame dahil sa kasong iligal na droga.
Ayon kay Roque maaaring maghayag si Aquino ng pangamba na matulad sa kaso ng senadora pero iba anya ang isyu sa dengvaxia vaccine.
Sinabi pa ni Roque na malinaw ang posisyon ng pangulo na hihhintayin niya muna ang resulta ng imbestigasyon.
Matatandaan na sinabi ng pangulo na bumuo sya ng isang independent expert team mula sa iba’t ibang bansa para pag-aralan at imbestigahan kung may kaugnayan sa dengvaxia vaccine ang pagkamatay ng may 60 bata na naturukan ng gamot.
Hanggang ngayon ayon kay Roque ay wala pa namang inilalbas na resulta ng imbestigasyon ang mga kinuhang eksperto.