Bagyong Domeng lalakas pa posibleng maging isang tropical storm sa susunod na mga araw – PAGASA

Napanatili ng bagyong Domeng ang lakas nito habang kumikilos sa bahagi ng Philippine Sea.

Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyo sa 805 kilometers East ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging 45 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 60 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong North Northwest sa bilis na 15 kilometers bawat oras.

Sa ngayon naghahatid na ang bagyo ng moderate hanggang sa kung minsan ay malakas na ulan sa Eastern Visayas at Bicol Region.

Ang mga residente sa nasabing mga lugar ay pinapayuhang maging alerto sa posibleng flash floods at landslides.

Ayon sa PAGASA, may tsansa na lumakas pa ang bagyo at sa Biyernes ay maaring umabot sa tropical storm category.

Hindi naman ito inaasahang tatami sa kalupaan pero palalakasin nito ang Habagat na magdadala ng pag-ulan sa MIMAROPA at Westrern Visayas simula bukas araw ng Huwebes.

Sa Biyernes naman, kasama na sa maaapektuhan ng Habagat ang Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng western section ng Luzon.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...