Ilang biyahe sa NAIA kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang biyahe ngayong araw patungo at mula Cotabato dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ng Philippine Airlines Express (PAL Express) ang dalawa nitong biyahe dahil sa hindi magandang panahon na nararanasan bunsod ng epekto ng bagyong Domeng.

Kabilang sa kanselado ang flights 2P 2959 Manila to Cotabato at 2P 2960 Cotabato to Manila.

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na direktang makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng kanilang flight.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...