Pamilyang Pilipino ininsulto ng NEDA nang sabihing kasya ang P10K na budget sa isang buwan

INQUIRER FILE PHOTO

Insultong maituturing sa bawat pamilyang Pilipino ang pahayag ng National Economic Development Authority o NEDA na sapat na ang P10,000 na buwanang kita para mabuhay ng disente ang pamilyang mayroong limang miyembro.

Ayon kay Alan Tanjusay, tagapagsalita ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP), malaking insulto lalo na sa mahihirap ang inilatag na budget ng NEDA lalo na at P127 sinabi budget ng kagawaran para sa pagkain kada araw ng limang miyembro ng pamilya.

Ani Tanjusay dapat ay bawiin ng NEDA ang pahayag at dapat ding maglabas ng public apology si NEDA Usec, Rosemarie Edillion.

Kung ito aniya ang standard ng gobyerno sa pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino ay malaki itong problema at kamalian.

Dagdag pa ni Tanjusay sa naging pag-kwenta ng ALU-TUCP, kailangan ng P1,200 na kita bawat araw para mabuhay ang ng maayos ang isang pamilya na mayroong limang miyembro.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...