Inaresto ang isang babaeng binibisita ang kanyang nakakulong na live-in partner matapos tangkain magpuslit ng iligal na droga sa Bohol District Jail.
Nakilala ang suspek na si Josienen Patenio Perfecio.
Binisita ni Perfecio si Lemuel Guades bago mag-ala-1:00 ng Martes.
Ayon sa pulisya, si Guades ay tulak ng droga naaresto sa buy-bust operation dalawang taon na ang nakalipas.
Sinabi ng mga otoridad na iniabot ni Perfecio sa jail guards ang bagong rice cooker para inspeksyunin. Gayunman, tumanggi siyang inspeksyunin ng mga gwardya ang kanyang shoulder bag.
Ayon jay Jail Officer 2 Jonathan Tungol, dahil dito, pinagdudahan na ng mga otoridad si Perfecio.
Nang inspeksyunin ang bag ni Perfecio, nakita ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu rito. Tila kinabahan na at hindi mapakali ang suspek.
Iginiit ni Perfecio na sapilitang kinuha ng jail guards ang kanyang bag, at itinangging shabu ang laman ng sachet kundi tawas.
Sinusuri na ito ngayon ng pulisya.
Nakadetine si Perfecio sa Tagbilaran City Jail habang inihanada ang kaso laban sa kanya.