Ayon kay Interior and Local Government OIC Eduardo Año, sang-ayon sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte, dapat ay iisa lamang ang emergency hotline sa bansa at ito ay ang 911.
Nalilito raw kasi ang publiko sa pagkakaroon ng ibat-ibang hotline numbers.
Dagdag pa ni Año, bilang pinuno ng policy making body sa nilagdaang Executive Order ng pangulo, dapat ay magkaroon ng local 911 call centers sa mga LGU na sya namang mapapasailalim sa superbisyon ng National Call Center.
Sa ngayon, mayroong walong emergency call centers sa buong bansa na may 169 na kawani na tumatanggap ng emergency calls sa 911.
Samantala, tiniyak naman ni Año ang mas mahusay na pagbibigay ng alalay sa oras ng sakuna na may kinalaman sa pagpigil sa kriminalidad, pampublikong kaayusan at seguridad oras na maitatag na ang 911.