Nasa 120 mga pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad ang nasampahan na ng kaso ng Counter-Intelligence Task Force ng Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP-CITF, mula nang maitatag ang kanilang unit noong nakaraang taon, 82 mga pulis na ang isinailalim agad sa regular filing.
Siyam dito ay Police Commissioned Officer (PCO) at 73 ay Police Non-Commissioned Officer (PNCO).
Habang 38 ay sinampahan ng kasong administratibo kung saan 12 rito ay PCO at 26 ay PNCO.
Una nang sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde na sa kanyang pamumuno sa PNP ay paiigtingin niya ang internal cleansing.
Sa katunayan simula nang maupo si General Albayalde, tatlong pulis na sangkot sa katiwalian ang naaresto ng PNP CITF.