FIFA nagsampa ng kaso dahil sa hindi otorisadong pagbebenta ng World Cup tickets

AP Photo

Magsasampa ng kaso ang FIFA laban sa isang online ticket platform dahil sa hindi otorsadong pagbebenta ng tickets para sa. 2018 World Cup.

Sa isang pahayag sinabi ng FIFA na sasampahan nila ng kaso sa Switzerland ang Viagogo dahil sa breach of the law on unfair competition.

Ayon pa sa organisasyon, pangunahin nilang layunin ang matiyak ang seguridad at kaligtasan ng mga manonood sa World Cup.

Samantala, lahat ng mga nakabili ng ticket mula sa mga unofficial platforms, kabilang ang Viagogo ay hindi papayagang makapsok sa World Cup stadium para manood ng mga laro.

Gaganapin ang World Cup games sa Russia simula sa June 14.

Read more...