American fashion designer na si Kate Spade nagpatiwakal

AP Photo

Natagpuang walang buhay sa loob ng kanyang apartment ang tanyag na American fashion designer na si Kate Spade.

Ayon sa mga otoridad, natagpuan ng kanyang housekeeper si Spade na nakabigti sa loob ng kanyang kwarto.

Walang malay ang fashion designer kaya agad na tumawag sa 911 ang kanyang housekeeper.

Hinala ng mga otoridad, nagpatiwalakal si Spade, batay na rin sa isang note na nakalagay sa tabi ng kanyang bangkay. Ngunit hindi naman ipinaalam ng mga pulis ang laman ng naturang sulat.

Patuloy pa ang pagsisiyasat ng New York City Police tungkol sa naturang insidente.

Read more...