Kaninang alas sais ng gabi, ang bagyo ay namataan sa layong 200 kms sa silangan ng Baler, Aurora at kumikilos ng sampung kilometro bawat oras.
Ang mata nito ay inaasahang magla-landfall bukas ng alas diyes ng umaga at alas dose ng tanghali sa pagitan ng Aurora, Northern Quezon at Isabela.
Ito’y nagtataglay ng maximum sustained winds na 175 kph at malakas na pagbugsong aabot sa 210 kph .
Inaasahan din ang “heavy to intense” na pag-ulan sa 650km radius ng naturang bagyo.
Nagbabala rin ang pag-asa sa posibleng storm surge na aabot sa 3 meters partikular sa baybayin ng Aurora at katabing probinsya. Ang alon sa dagat ay may taas na 14 meters kayat pinagbabawalan ang mga mangingisda na pumalaot.
Ayon sa PAGASA matapos mag-landfall ito’y dadaan sa ibabaw ng kabundukan ng Sierra Madre partikular sa Nagtipunan, Quirino bukas ng hapon tuluy-tuloy malapit sa Vigan, Ilocos Sur at magtutungo sa Lubuagan, Kalinga at lalabas ng Aparri Cagayan hanggang Batanes.