Lalawigan ng Aurora Signal No. 4 na

lando_15101706
PAGASA Infographics

Itinaas na ang Public Storm Signal No.4 sa buong lalawigan ng Aurora habang papalapit ang bagyong Lando.

Kaninang alas-kwatro ng hapon, huling namataan si Lando sa layong 230Km Silangan ng Baler Aurora taglay pa ang lakas ng hangin na 175kph at pagbugsong aabot na sa lakas na 210kph.

Sa pinaka-huling weather bulletin ng PAGASA ay napanatili ni Lando ang 600Km in diameters na laki nito kaya halos sakupin na niya ang buong Luzon.

Dahil sa laki at kapal ng kanyang kaulapan, sinabi ng PAGASA na asahan na magiging malakas ang dalang pag-ulan ng bagyong Lando at napaka-bagal ng kanyang takbo na umaabot lamang sa 10kph.

Ipinaliwanag din ng PAGASA na mapanganib sa mga sasakyang pandagat ang pag-ulan na dala ng bago bukod pa sa lakas ng hangin nito na pwede pang mag-intensify habang nasa karagatan ang nasabing sama ng panahon.

Idinagdag pa ng PAGASA na pwedeng umabot sa 14-meters ang storm surge sa mga lugar na nasa ilalim ng Signal No.3 kaya pinag-iingat nila ang publiko.

Nadagdagan din ang bilang ng mga lugar na ngayon ay nasa ilalim na ng Public Storm Signal No. 3 na kinabibilangan ng mga sumusunod na lalawigan.

Quirino,

Aurora

Isabela

Polillo Island

Nueva Ecija

Nueva Vizcaya

Ifugao

Northern Quezon
Ang mga lalawigan na nasa ilalim ng Signal  No.2 ay ang mga sumusunod:

La Union

Benguet

Mt. Province

Ilocos Sur

Ilocos Nort,

Abra

Apayao

Bulacan

Tarlac

Pampanga

Zambales

Rizal

Kalinga

Cagayan

Babuyan

Calayan Island

Camarines Norte

Metro Manila

Ang Signal No.1 ay nakataas na sa mga sumusunod na lugar:

Batanes

Pangasinan

Bataan

Batangas

Laguna

Southern Quezon

Cavite

Albay

Camarines Sur

Catanduanes

Marinduque

Lubang Island

Read more...