Grab drivers na tatanggap ng booking bibigyan ng pabuya ng kumpanya

Para mabawasan ang kanselasyon ng mga biyahe, bibigyan ng Grab Philippines ng pabuya ang kanilang mga drivers na tatanggap ng ride booking.

Ayon kay Grab Country Head Brian Cu, isasagawa nila ang “spot incentives” kung saan may reward ang driver na hindi magkakansela ng biyahe.

Paliwanag ni Cu, kapag nabigyan ng booking ang driver ng tatlong kilometro, ang isang kilometro rito ay spot incentive. Halimbawa aniya ay P30 na reward.

Kung ang babayaran aniya ng pasahero ay P200, mayroon itong extra P30 na manggagaling sa Grab kaya ang makukuha ng driver ay P230.

Ang reward aniya ay manggagaling sa mga investors at kita ng kumpanya.

Plano ng Grab na ipatupad ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong linggo.

Read more...