Relic ni St. Augustine nasa bansa

Nasa Pilipinas ngayon ang isang bone relic ni St. Augustine na mula pa sa Rome, Italy sa pangangalaga ni Fr. Dennis Ruiz ng Order of Augustinian Discalced (OAD).

Dumating ang naturang relic noong May 20, at dinala na sa Cebu, Batanes, Pasig, Antipolo at dadalhin pa sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa public veneration.

Si St. Augustine na naging obispo ng Hippo ay isang Christian convert noong 4th century na inilaan ang kanyang buhay sa pagsisilbi bilang pari at obispo mula sa pagiging makasalanan.

Kahapon, nailibot sa mga Simbahan sa Metro Manila ang bone relic partikular sa Santuario de San Antonio at Greenbelt Chapel sa Makati at dadalhin naman ngayong araw sa St. Monica Sub-Parish at Cathedral of Saint Andrew sa Parañaque hanggang ala-1 ng hapon.

Bukas, June 7 hanggang June 8 ay nasa Minor Basilica of San Sebastian sa Quiapo, Maynila naman ito.

Ang bone relic ni St. Augustine ay nasa bansa hanggang sa June 28.

Read more...