Mayor Sara Duterte nagbirong tatakbo bilang bise presidente

Nagbiro ang presidential daughter na si Davao City Mayor Sara Duterte na tatakbo siya bilang bise presidente.

Nang tanungin kung anong posisyon ang kanyang target, sinabi ni Duterte na wala at depende ito sa kanyang mga kaaway, pagkakaroon ng pondo, at ang winnability.

Pero pabiro nitong sinabi na bukas siya sa pagkandidato bilang pangalawang pangulo.

Sa 2019 ay magkakaroon ng eleksyon para sa mga lokal na posisyon at sa Kongreso kabilang ang mga senador at kongresista.

Habang sa taong 2022 pa ang presidential at vice presidential race.

Ayon kay Inday Sara, wala pa siyang desisyon kung tatakbo siya sa local o national position sa susunod na taon.

Ang pamilya Duterte aniya ay kalimitang nagdedesisyon isa o dalawang buwan bago ang halalan.

Read more...