Abortion sa Ireland hindi pa ipinatutupad sa Northern Ireland

AP Photo

Natanggal na ang abortion ban sa bansang Ireland.

Ngunit hindi naman ito ipinatutupad pa sa katabing bansa na Northern Ireland.

Ito ay dahil sa mahigpit na batas na ipinapatupad sa naturang bansa simula pa noong Victorian era.

Sa ngayon ay walang umiiral na maayos na pamahalaan sa Northern Ireland, kaya naman nasa kamay na ng United Kingdom parliamentary government sa ilalim ni Prime Minister Theresa May ang pagpapatupad ng naturang abortion reform sa Northern Ireland, na bahagi ng UK.

Mainit na diskusyon ang umiiral tungkol sa naturang abortion law, kung saan maaari lamang ipalaglag ng isang babae ang kanyang ipinagdadalang tao kung siya ay nabuntis bilang resulta ng rape, kung siya ay mayroong sakit na maaaring makaapekto sa kanyang pagiging isang ina, at kung mayroong abnormality ang bata.

Read more...