Pulis patay sa engkwentro ng mga rebelde sa Sagada

Patay ang isang pulis habang sugatan ang siyam na iba pa sa sagupaan sa mga armadong lalaki sa Sagada, Mountain Province.

Ayon sa Cordillera Police Regional Office, nasawi si PO2 Henry Dion sa pag-atake ng pinaniniwalaang mga rebeldeng komunista sa Mount Sisipitan sa Barangay Aguid.

Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Superintendent Joseph Bangcawayan Cayat, PO3 Wilfred Manacmis, PO1 Aldrin Bocalan, at PO1 Clarence Abuan.

Sugatan din sina SPO1 Aldrin Potpoten, PO1 Xander Depnad, PO1 Jake Pa-at, PO1 Yasser Guzman, at PO2 Regie Palome.

Rumesponde ang mga pulis sa report ng umano’y pangingikil sa lugar nang sila ay sagupain ng grupo ng mga armadong lalaki.

Read more...