Kaligtasan ng mga negosyanteng Koreano sa bansa tiniyak ni Pangulong Duterte

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Korean nationals na nagbabalak na mamuhunan sa bansa na ligtas sila at poportektahan basta’t siguruhin lamang na ligal ang kanilang negosyo.

Sa talumpati ng pangulo sa Philippines-Korea Business Forum and Lucheon
sa Lotte Hotel, Seoul, South Korea, sinabi nito na pag-aaralan niya ang paglalagay ng isang desk sa Department of Finance (DOF) o suitable government para sa application ng kanilang mga negosyo.

May standing order ang pangulo sa kanyang cabinet members na isang buwan lamang ang pagproseso sa mga papeles sa gobyerno at 15 araw naman sa mga director pababa.

Kapag hindi aniya ito nagawa, nangako ang pangulo sa mga Koreans na sisibakin sa puwesto ang mga opisyal.

Nangako rin ang pangulo na ipaglalaban niya ang South Korea.

Binigyan din ng pangulo ng permiso ang mga Koreano na sampalin o sipain ang mga opisyal ng gobyerno na magtatangkang mangikil sa kanila.

Kapag may nagtangka aniya na mangikil ay magsumbong lamang sa kanilang ambassador para maipaabot sa kanya.

Nakahanda rin ang pangulo na maging ahente ng mga Korean.

Read more...