Ayuda para UCT program ng DSWD hindi babawiin

Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga benepisyaryo ng Unconditional Cash Transfer (UCT) na hindi nito babawiin ang ayuda sakaling suspindehin ang reporma sa buris.

Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginia Orogo, hindi na kakailanganin pang ibalik ng mga benepisyaryo ang P200 kada buwan o P2,400 na ayuda. Aniya, mahihirapan pa ang kagawaran na hagilapin ang mga ito.

Sinabi ni Orogo na kung susupindehin man ay para na ito sa susunod na bahagi ng reporma sa buwis.

Ipinahayag ni Orogo na 4.1 milyon benepisyaryo ng programa ang nakatanggap na ng ayuda. Kabilang ang mga ito sa 4.4 milyon benepisyaryo ng Conditional Cash Transfer program.

Maliban sa kanila, mayroon pang tatlong milyong senior citizens at dagdag na 2.6 milyong mahirap na pamilya ang kasama sa UCT.

Ang UCT ay isa sa mga probisyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law.

Read more...