Umakyat na sa 3,155 ang bilang ng mga pasaherong kasalukuyang stranded sa ibat-ibang mga Pantalan sa Bicol Region dahil sa bagyong Lando.
Ayon kay Philippine Ports Authority operations manager Carol Mendizabal, inaasahan pa nilang madadagdagan ang bilang ng mga stranded passengers dahil may mga paparating pang mga bus galing sa iba’t ibang mga lugar sa Timog Katagalugan.
Sa Tobaco International Port ay may panibagong 413 na stranded passengers, sa Bayan ng Pioduran ay 247 samnatalang 17 naman sa Masbate at siyam sa San Andres.
Kahit mataas ang bilang ng mga stranded passengers sa Bicol area ay patuloy naman ang pag-alis ng mga bus na byaheng Region 5 at 6 sa may bahagi ng Cubao Bus Terminal at ito ang inaasahan ng mga otoridad na magdaragdag sa bilang ng mga naaantalang pasahero.
Sa ulat pa rin ng PPA, umaabot na sa pitumpung mga Ro-Ro Vessels ang hindi pinayagang makapaglayag maliban pa sa ilang mga Motorized Bangca na hindi na rin pinayagang pumalaot dahil sa inaasahang pagtaas ng alon sa mga karagatan.
Sa report naman ng Office of the Civil Defense Region 5, ramdam na ngayon ang malakas na ihip ng hangin sa malakingbahagi ng Bicol Region.