Ayon kay SC Spokesman Theodore Te, ang direktiba ay ginawa ng Supreme Court en banc sa sesyon nito kaninang umaga.
Una nang iginiit ni Sereno na walang bisa ang pagpapatalsik sa kanya ng Supreme Court sa paniniwalang hindi siya nabigyan ng due process dahil hindi dapat ang korte kundi ang Senado na tatayong impeachment court ang duminig sa kanyang kaso.
Nanindigan din si Sereno na dapat nag-inhibit sa botohan ang anim sa mahistrado ng SC na sina Associate Justices Noel Tijam, Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza at Samuel Martires dahil sa ipinakita nitong bias laban sa kanya nang tumestigo sila sa Kamara.
Noong May 11, kinatigan ng SC sa botong 8-6 ang pagkuwestiyon ni Calida sa bisa ng appointment ni Sereno dahil sa hindi pagsusumite ng kumpleto nitong Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).
Alinsunod sa rules of court, kailangan ni Sereno ng dalawa pang paborableng boto para mabaligtad ang pagpapatalsik sa kanya.