Dahil sa mga pag-ulan dala ng bagyong Lando bahagyang tumaas ang level ng tubig sa Angat Dam.
Batay sa monitoring ng Hydrology Division ng PAGASA mula 6am hanggang ngayong araw tumaas ng 0.03 centimeter ang elevation ng tubig sa Angat Dam o mula sa 194.16 kaninang umaga umakyat ito ng 194.19 ngayong hapon.
Ayon sa PAGASA magtutuloytuloy pa ang pagtaas ng tubig sa Angat Dam dahil na rin sa ulan na dala ng bagyong Lando. Samantala patuloy naman ang pagpapakawala ng tubig ang Magat dam sa lalawigan ng Isabela para maiwasan na ang pag-apaw nito.
Mula sa 192.32 meters kaninang alis-sais ng umaga bumaba ito ngayon sa 192.03 meter ang water elevation ng Magat Dam.
Sa kabila nito 0.97 sentimetro lamang ay aabot na sa 193 na spilling level ng nasabing Dam.
Patuloy din ang pagtaas ng level ng tubig sa Ipo Dam sa Bulacan, Binga Dam sa Mt. Province at Pantabangan Dam sa Nueva Ecija.
Kapag nagpatuloy naman ang malakas na buhos ng ulan dito sa Metro Manila, sinabi ng PAGASA na nakatutok din sila sa mga kaganapan sa La Mesa Dam.