Ang nasabing datos ay mas mababa kumpara sa 5.7 percent na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Sa kabila naman ng pagbaba ng unemployment rate sinabi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na tumaas naman ang underemployment rate o bilang ng mga taong may trabaho na pero nais pang magkaroon ng dagdag na oras sa trabaho o dagdag na hanapbuhay.
Mula sa 16.1 percent noong April 2017, tumaas ang underemployment ngayong taon sa 17 percent.
Noong nakaraang buwan lang sinabi ng World Bank na maituturing na “crucial” ang pagtugon sa problema sa underemployment para mabawasan ang kahirapan sa bansa.