Ayon kay Stephanie Chan, Department of Environment and Natural Resources regional information officer, natanggap na nila ang kautusan ng korte.
Gayunman, sinabi ni Chan na hindi muna nila ipatutupad ito hangga’t hindi nakikipagpulong ang DENR regional chief sa community environment and natural resources office.
Ang kaso ay inihain ng mga residente sa Bantayan at ilang environmental advocates sa pangunguna ni Atty. Antonio Oposa.
Reklamong malpractice, mandamus at damages ang isinampa niya laban sa mga may-ari ng mga istruktura dahil sa paglabag sa easement rule.
Ang easement zone ay bahagi ng dalampasigan 20 metro mula sa lugar na inaabot ng high tide.
Ayon naman kay William Medici, tagapagsalita ng Santa Fe Tourism Enterprise Association (Safetea), iaapela nila ang naging hatol ng korte.
Depensa ng grupo, hindi naman intensyon ng mga myembro nito na lumabag sa easement rule.
Ang Bantayan Island ay tanyag na toursit destination dahil sa white sand beaches nito.