Tinambangan at napatay ang Chorf of Police ng Marawi City na si Supt. Al Abner Santos ng mga hindi pa nakikilalang kalalakihan.
Batay sa paunang ulat, si Santos ay nagmamaneho ng isang itim na Montero Sports nang siya ay barilin sa Sarimanok Street sa Barangay Luksa Datu.
Naganap ang pananambang ng alas dos ng hapon kanina. Sakay din ng isang itim na Montero ang mga suspek.
Binaril sa ulo si Santos ng makailamg ulit.
Ayon kay Col. Roseller Murillo, commanding officer of Marawi 103rd Brigade Philippine Army na nasa Marawi City, galing si Santos sa isang coordinating conference sa Kampo Ranao bago naganap ang pananambang.
Hindi pa batid ang motibo ng pananambang ngunit ayon sa militar, nasa higit 30 katao na ang napapatay sa Marawi City sa nakalipas na 12-buwan dahil sa usapin ng illegal drugs.
Nagpalabas na rin ng babala ang PNP-ARMM sa lahat ng chief of police na mag-ingat kasunod ng insidente.